ThisIsHowIRoll :)

I DON'T GET MAD, I GET EVEN

1 note

VINA

Gusto kong magpasalamat sa milyon-milyong bagay na ginawa mo sakin. Alam kong ubod ako ng bigat nung nilabas mo pero kinaya mo para magkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay sa mundo.

Hindi ako masipag. Wala ng mas tatamad pa sakin. Ako na ata ang mayora ng mga tamad. Habang ikaw, walang pagod araw-araw. Gayun pa man, wala akong narinig na reklamo mula sayo. Mula sa puso mo na pagsilbihan kami bawat araw ng buhay mo.

Hindi ako mabait. Marami lang akong kaibigan dahil sa katarantaduhan slash kalokohan slash ka-coolan ko. Pero ikaw, marami kang kaibigan dahil mabait ka. Tapos.

Hindi ako masunurin. Sa daan-daan mong utos sakin, ilan lang ata ang sinusunod ko. Pero ikaw, kapag nagpabili ako ng kahit ano, makukuha ko agad. Ibibigay mo ng walang pag-aalinlangan.

Sobrang dami ko ng nagawang pagkakamali sa buhay ko. Mga ka-syetan na sana nga, hindi ko nagawa dahil nasaktan kita ng sobra. Pero, sa huli, natanggap mo pa din ako. Binigyan pa din ng pagkakataon at mas minahal ako. Wala ng tatanggap sakin ng buo kundi ikaw.


Mahal kita Mommy!

—-

Ang iyong cool at mabuting anak, yun nga lang tamad pero kyut naman,

Ada

#PAMILYAKO #Mommy

1 note

CAN U BE MY TXTM8?

CAN U BE MY TXTM8?

May nagmiskol saakin. Tinext ko para itanong kung sino siya dahil baka isa siya sa mga kaibigan ko na nagpalit ng numero nang hindi ko alam.

Ang reply niya e dumadayal lang daw siya ng numero at naghahanap ng teksmeyt. Itago natin sa pangalan na Andres. Maayos naman ang ingles niya. Pero putangina, natawa ako. Uso pa pala yung mga ganung eksena sa text? Hindi ko na kasi matandaan yung huli kong ekspiryens na ganun.

Nagreply ako na hindi ako interesado. Hindi ako mahilig makipag-textmate. Hindi ko hilig mag-text. Pera na lang kung pag-ibig kita.

At nagreply pa ang gago. Mukhang desperado nga makahanap ng mabobola sa text. Kaya ang sabi ko sakanya, lalaki din ako, babae din ang hanap ko. Ngayon kung sasabihin niya na Bi siya e hindi rin ako interesado sa bading. Kaya ‘wag na siya magtext.

Kung mangugulit pa din siya e mapipilitan ako na ipatumba siya. May kilala akong mga tao. Hehehe.

#BUHAYKO

2 notes

BISYO

Hindi madali na ma-legal sa paninigarilyo. Yung pag-inom ng alak e hindi masyadong naging problema kasi high school pa lang e alam na nilang umiinom ako. Siguro naging patas lang sila kasi si kuya, halos araw-araw umiinom.

Matagal na nilang alam pero itinatago ko pa rin. Sa dami ng lighter ko dito sa kwarto, nauubos dahil tinatago nila. Pati na rin yung pakete ko ng yosi, bigla na lang nawawala sa bag ko. Pero ngayon, saakin pa nga sila nanghihiram ng pangsindi. Nakakalat na din yung mga pakete ko pero ‘di na nila pinapansin.

Hindi ko pa rin ipinapakita sa harapan nila yung bisyo ko. Respeto pa rin. Sa C.R. na lang ‘di kaya sa garahe para ‘di halata. Parang pakikipagsex lang ‘yan, kaya mo bang makipag-sex sa harap ng magulang mo?

#BUHAYKO

2 notes

2011

Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Nalaman kung sino ang mga tunay na kaibigan.

Nakakainom ng alak, nakakapanigarilyo, nakakapagbabad sa internet, nakakapanood ng pelikula, nakakapagpa-Pedicure/manicure, nakapag-pamasahe, nakapaglaro ng online games, naka karera, etc.

Hindi pa rin natatapos ang pagkuha saakin ng mga kakilala’t kaibigan bilang Ninang ng mga anak nila. 20+ na mga inaanak & counting.

Nagagawa naman kahit paano ang mga gusto ko. Simpleng buhay na lang ang trip ko.

May minamahal, may nag-aalaga’t nagmamahal.

Hindi ko alam saan mo napulot na miserable ang buhay ko. HAHAHAHA

Happy New Year!


#HAPPYNEWYEAR
#2011 #BuhayKo

4 notes

TEXT

Nung bata ako, puro materyal na bagay ang nakalagay sa wishlist ko tuwing Pasko. Mga laruan, damit, mga cute na gamit, mga pink na bagay, polypockets, barbie at kung anu-ano pa. Ilan lang ang mga ‘yan sa nakapagpapasaya ng buhay ko noon at inaasam na matanggap tuwing bigayan ng regalo.

Materyal na bagay, nawawala, nauubos at nasisira. Mga panandalian lang kasi ‘di maglalaon e pinagsasawaan ko na rin. Nag-iiba na ang mga gusto ko kasabay na rin ng mga pangangailangan ko.

Ngayong matanda na ako, ang gusto ko e peace of mind. Kahit ‘yun na lang.

O kung bumait ang mundo at narealize na mabuti naman talaga ang kalooban ko, sana may bonus na bagong Kotse. Hehe

#BUHAYKO

845 notes

There are certain people who come into your life, and leave a mark… Their place in your heart is tender; a bruise of longing, a pulse of unfinished business. Just hearing their names pushes and pulls at you in a hundred ways, and when you try to define those hundred ways, describe them even to yourself, words are useless.
Sara Zarr

(Source: runawaytrain)

4 notes

ASA

Ilang buwan ko na siyang tine-teks at tinatawagan, pero hindi pa rin talaga niya ko sinasagot. Lahat ng pwede kong sabihin sa kanya, nasabi ko na. Ang dami kong tanong sa kanya. Pero kahit isa wala akong nakuhang sagot.

Di bale, magiintay na lang ulit ako at susubok.


#FCUKLOVE #DEAR