ThisIsHowIRoll :)

I DON'T GET MAD, I GET EVEN

4 notes

TEXT

Nung bata ako, puro materyal na bagay ang nakalagay sa wishlist ko tuwing Pasko. Mga laruan, damit, mga cute na gamit, mga pink na bagay, polypockets, barbie at kung anu-ano pa. Ilan lang ang mga ‘yan sa nakapagpapasaya ng buhay ko noon at inaasam na matanggap tuwing bigayan ng regalo.

Materyal na bagay, nawawala, nauubos at nasisira. Mga panandalian lang kasi ‘di maglalaon e pinagsasawaan ko na rin. Nag-iiba na ang mga gusto ko kasabay na rin ng mga pangangailangan ko.

Ngayong matanda na ako, ang gusto ko e peace of mind. Kahit ‘yun na lang.

O kung bumait ang mundo at narealize na mabuti naman talaga ang kalooban ko, sana may bonus na bagong Kotse. Hehe

#BUHAYKO

  1. peenaychick posted this