ThisIsHowIRoll :)

I DON'T GET MAD, I GET EVEN

1 note

CAN U BE MY TXTM8?

CAN U BE MY TXTM8?

May nagmiskol saakin. Tinext ko para itanong kung sino siya dahil baka isa siya sa mga kaibigan ko na nagpalit ng numero nang hindi ko alam.

Ang reply niya e dumadayal lang daw siya ng numero at naghahanap ng teksmeyt. Itago natin sa pangalan na Andres. Maayos naman ang ingles niya. Pero putangina, natawa ako. Uso pa pala yung mga ganung eksena sa text? Hindi ko na kasi matandaan yung huli kong ekspiryens na ganun.

Nagreply ako na hindi ako interesado. Hindi ako mahilig makipag-textmate. Hindi ko hilig mag-text. Pera na lang kung pag-ibig kita.

At nagreply pa ang gago. Mukhang desperado nga makahanap ng mabobola sa text. Kaya ang sabi ko sakanya, lalaki din ako, babae din ang hanap ko. Ngayon kung sasabihin niya na Bi siya e hindi rin ako interesado sa bading. Kaya ‘wag na siya magtext.

Kung mangugulit pa din siya e mapipilitan ako na ipatumba siya. May kilala akong mga tao. Hehehe.

#BUHAYKO

  1. peenaychick posted this